Back to HomeRegions

School shooting sa Cotabato; 2 patay, 7 sugatan

NI Edward VillosoSeptember 18, 20262 min read0 views
School shooting sa Cotabato; 2 patay, 7 sugatan
Share:

TATLO ang iniulat na nasawi habang pito ang sugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng Banga National High School sa Barangay Benitez, Banga, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa paunang impormasyon mula sa South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nangyari ang insidente dakong alas-1:18 ng hapon.

Nagsimula umano ang pamamaril matapos ang komprontasyon ng dalawang estudyante na may dati nang hindi pagkakaunawaan.

Pareho umanong may dalang armas ang mga ito, at isa sa kanila ang sinasabing kabilang sa mga nasugatan at nasawi.

Ang pito naman ay pawang mga estudyante ng paaralan na agad isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Dahil sa insidente, agad na sinuspinde ng Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang klase sa lahat ng antas sa buong bayan.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente.

Samantala, nagpahayag ng matinding pag-aalala ang Department of Education (DepEd) sa insidente at tiniyak na nakikipag-ugnayan ito sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na awtoridad at law enforcement agencies.

Ayon sa DepEd, pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, guro at iba pang school personnel.

Nakahanda rin ang ahensya na magbigay ng psychological first aid at mental health and psychosocial support sa mga estudyante at iba pang naapektuhan ng insidente.

Hinimok naman ng DepEd ang publiko na manatiling kalmado at iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Related Articles