Hall of Justice sa 'Gapo binulabog ng bomb threat

NAANTALA ang operasyon sa Hall of Justice sa Olongapo City ilang sandali matapos makatanggap ng bomb threat ang isang staff ng municipal trial court (MTC) nitong tanghali ng Miyerkules.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng police bomb disposal unit at inatasan ang lahat ng empleyado na lumikas sa gusali.
Pinigilan at kinordonan naman ng mga security guard ang pagpasok ng mga tao sa lugar.
Ayon sa report, nakatanggap ng bomb threat ang staff ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 3 at agad itong ini-report sa pulisya.
Dakong alas-2:07 ng hapon, inatasan ni Executive Judge Richard Paradeza ang kanselasyon ng trabaho sa Hall of Justice.
Patuloy pa na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasa likod ng pagbabantay.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
