Pulis sumuko sa pulisya sa pamamaril sa Barangay kagawad

KUSANG sumuko sa kanyang mga kabaro ang isang pulis matapos umanong barilin at mapatay ang isang barangay kagawad sa Palapag, Northern Samar, nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 18, 2026.
Hindi muna pinangalanan ang pulis na may ranggong patrolman nasa 40 anyos at residente ng Barangay Palapag habang ang biktima ay nasa 50-anyos, residente ng Barangay Mapno.
Natagpuang duguan at wala ng buhay sa likod ng isang waiting shed ang Barangay official na nasa tapat lamang ng barangay auditorium ilang sandali matapos itong barilin ng pulis, dakong alas-2:53 ng hapon.
Ayon sa Palapag Municipal Police Station, nakaupo ang biktima sa waiting shed nang lapitan siya ng suspek at ilang beses umanong pinaputukan bago tumakas.
Narekober sa lugar ang limang basyo ng bala ng 9mm at isang slug.
Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng personal na alitan ang ugat ng insidente.
Ayon sa pulisya, may dati nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa at sangkot din umano sa isang alitan ng kanilang mga pamilya.
Kalaunan ay sumuko ang suspek sa Palapag police at isinuko ang kanyang PNP-issued Taurus 9mm pistol, tatlong magazine at 23 bala.
Nahaharap ang pulis sa kasong murder na kasalukuyang nakakulong sa police costudial center ng himpilan.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
