P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City

ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboanga City nitong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Biik,” 30-anyos, residente ng Barangay Gata, Talipao, Sulu.
Itinuturing umano ang suspek na kabilang sa mga pangunahing suspek sa illegal drug trade sa Zamboanga Peninsula o Region 9.
Pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit 9 (RDEU-9) ang operasyon kasama ang iba pang law enforcement units bandang alas-3:55 ng hapon sa Calle Real.
Naaresto agad ang suspek matapos nitong makipagtransaksiyon sa isang undercover police operative.
Nakuha mula sa kanya ang tatlong heat-sealed na transparent plastic pack na naglalaman ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P20,400,000.
Dinala ang mga nakumpiskang droga sa Regional Forensic Unit 9 para sa qualitative at quantitative examination upang makumpirma ang kanilang laman at timbang.
Samantala, nananatili sa kustodiya ng Zamboanga City Police Station 4 ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…

3 Hotel staff nasawi matapos ma-trap sa sewage facility sa Davao City
TATLONG lalaki na bahagi ng engineering at maintenance team ng isang hotel ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng sewage treatment facility habang nagsasagawa ng maintenance work sa Davao City, madalin…
