Back to HomeNation

Rep. Jojo Ang ng Uswag Partylist, sinuspinde ng Sandiganbayan kaugnay ng patong patong na kasong katiwalian

NI Catlyn dela CruzSeptember 22, 20261 min read0 views
Rep. Jojo Ang ng Uswag Partylist, sinuspinde ng Sandiganbayan kaugnay ng patong patong na kasong katiwalian
Share:

INUUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensyon kay Uswag Ilonggo party-list Rep. Jojo Ang, na nahaharap sa 14 na kaso ng graft sa korte.

Ayon sa apat na pahinang resolusyon, iniutos ng Six Division ang suspension pendente lite o pansamantalang suspensyon kay James Ang Dit Ang Jr. bilang miyembro ng House of Representatives, gayundin sa anumang iba pang posisyong pampubliko na kasalukuyan o maaari niyang hawakan sa hinaharap, sa loob ng 90 araw mula nang matanggap ang resolusyon.

Kinasuhan si Ang ng mga piskal dahil umano sa paglabag sa Section 3(h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon sa mga akusasyon, mayroon umanong interes si Ang sa isang construction firm na nakakuha ng mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng ₱214 milyon habang siya ay nagsisilbi bilang party-list representative.

Related Articles