5 indibidwal arestado sa illegal na pagbebenta ng krudo sa Zambales

LIMANG indibidwal ang dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3 (CIDG RFU3) sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na pagbebenta ng petroleum products sa Zambales araw ng Miyerkules, September 2.
Ayon kay Police Col. Grant Gollod, hepe ng CIDG RFU3, ang mga operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam sa kabuuang 50,737 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P4 milyon.
Sa unang operasyon, nagsagawa ang mga operatiba ng buy-bust operation sa isang gasoline station sa Barangay Inhobol, Masinloc, kung saan tatlong katao ang naaresto dahil sa umano’y pagbebenta ng gasolina nang walang kaukulang pahintulot mula sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Gollod na walang Certificate of Compliance (COC) ang naturang gasoline station.
Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 33,249 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P2.6 milyon.
Sa ikalawang operasyon sa isang gasoline station sa Barangay Patrocinio, San Narciso, dalawang suspek naman ang naaresto.
Nakumpiska sa lugar ang tinatayang 17,488 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.
Posibleng maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 8479, o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, at iba pang umiiral na regulasyon hinggil sa pagbebenta at pamamahagi ng mga produktong petrolyo ang mga suspek
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
