Back to HomeRegions

7 minero patay sa gas poisoning sa isang minahan sa Benguet

NI Edward VillosoOctober 2, 20261 min read0 views
7 minero patay sa gas poisoning sa isang minahan sa Benguet
Share:

PATAY ang pitong lalaki matapos umanong malason sa singaw ng gas habang nagmimina sa isang malalim na tunnel sa bayan ng Itogon, Benguet araw ng Miyerkules. Setyembre 30.

Batay sa report ng Itogon Municipal Police Station (IMPS), naganap ang trahedya sa Sitio Dalicno, Barangay Ampucao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Bryan Campos Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; Alvin Lazaro Daniel, 21; at Leonardo Bacuteng Pino, 62.

Lumalabas sa imbestigasyon na unang nakatanggap ng impormasyon ang ilang mga minero na kasamahan ng mga biktima ilang sandali ng mangyari ang pag kaka trap nila sa loob ng tunnel matapos umanong makalanghap ng nakalalasong gas.

Dito nakumpirmang naipit sa loob ang mga minero habang humihingi sila ng tulong.

Dakong alas-11 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 1, nang marekober ng mga emergency responders ang labi ng mga biktima.

Iniulat sa pulisya ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa parehong araw.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang uri at pinagmulan ng gas, gayundin ang eksaktong mga pangyayari na humantong sa pagkamatay ng pitong minero.

Related Articles