Back to HomeRegions

Lider ng rebeldeng NPA 3 iba pa patay sa engkwentro sa Agusan Del Sur

NI Edward VillosoSeptember 13, 20261 min read0 views
 Lider ng rebeldeng NPA 3 iba pa patay sa engkwentro sa Agusan Del Sur
Share:

PATAY ang isang mataas na lider ng rebeldeng komunista at tatlo pang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga sundalo sa Barangay Bakingking, Esperanza, Agusan del Sur araw ng Sabado.

Kinilala ng 4th Infantry (Diamond) Division ang isa sa apat na nasawi bilang si Julia Cagadas, alyas “Rheda,” na sinabing secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) at kabilang sa mga nangungunang lider ng NPA sa Region 10.

Ayon sa report, naganap ang sagupaan sa naturang lugar matapos makatanggap ng tip ang militar mula sa ilang concerned citizens kaugnay ng presensya ng mga rebelde.

Pasado alas 11 ng tanghali ng isagawa ang operasyon ng mga miyembro ng 4th infantry division sa sinasabing hideout ng mga rebelde.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa mag kabilang panig na tumagal ng 30 minuto.

Nabatid na bukod sa mga nasawi ay sinasabing may mga nasugatan din na mga rebelde na itinakas ng kanilang ibang kasamahan.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar laban sa mga nagsitakas na mga rebelde.

Related Articles