Back to HomeRegions

NUP ng Sultan Kudarat Police todas sa pananambang

NI Edward VillosoAugust 22, 20261 min read0 views
NUP ng Sultan Kudarat Police todas sa pananambang
Share:

PATAY ang isang non-uniformed personnel (NUP) ng Sultan Kudarat Municipal Police Station (SKMPS) matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Juan, NUP ng Sultan Kudarat MPS at residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 8:10 ng umaga habang pauwi na ang biktima mula sa kanyang duty sa nabanggit na himpilan mg pulisya.

Nabatid na pagsapit ng biktima sa National Road ay dito na hinabol ng riding in tandem at sunod sunod na siyang pinaputukan.

Isinugod pa ng mga rumespondeng kasamahan si Juan sa ospital subalit idineklara na syang dead on arrival ng mga duktor.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala mula sa. 45 ka libreng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na pananambang sa biktima habang nagpapatuloy ang follow-up operations para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga salarin.

Related Articles