Natalong kandidato, 'di puwedeng pumalit ‘Second placer rule sa local elections, ibinasura ng SC

PINAGTIBAY ng Korte Suprema na hindi awtomatikong hahalili sa isang nanalong kandidato ang pumangalawa sa lokal na halalan kapag ang nanalo ay nadiskwalipika o napatunayang hindi kwalipikado sa posisyon.
Sa en banc session nito noong Miyerkules, ibinasura nang pinal ng mataas na hukuman ang motion for reconsideration ni Datu Pax Ali Mangudadatu, na inakusahan ng maling representasyon sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 elections.
Tumakbo si Mangudadatu bilang gobernador ng Sultan Kudarat, ngunit kalaunan ay ipinawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang COC dahil sa pagbabago ng kanyang tirahan.
Sa una nitong desisyon, sinabi ng Comelec na ang halal na vice governor ang dapat magsilbi sa natitirang bahagi ng termino ni Mangudadatu.
Sa pinakahuling desisyon, sinang-ayunan ng Korte Suprema na ang bakanteng posisyon na naiwan dahil sa pagkakadiskwalipika o kawalan ng kwalipikasyon ni Mangudadatu ay dapat punan ng kasalukuyang vice governor, at hindi ng kandidatong pumangalawa sa gubernatorial race.
Ayon sa Korte Suprema, walang batas na nagbibigay-kapangyarihan sa tinatawag na “second placer rule.”
Binigyang-diin nito na kinikilala ng Konstitusyon bilang halal ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.
Wala rin umanong vested right ang kandidatong pumangalawa upang kilalanin bilang tunay na nanalo sa halalan dahil hindi naman siya ang pinili ng nakararaming botante.
Gayunman, nilinaw ng Korte Suprema na ang ruling na ito ay naaangkop lamang sa mga lokal na elective positions, alinsunod sa Local Government Code.
Hindi naman nagpasya ang mataas na hukuman hinggil sa naturang isyu para sa mga pambansang posisyon dahil hindi ito sakop ng kasong dininig nito.
Para naman sa dalawang pinakamataas na elective positions sa bansa—ang Pangulo at Pangalawang Pangulo—ang proseso ng succession ay nakabatay sa mga probisyon ng 1987 Constitution.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
