60 anyos na lalaki patay matapos atakehin sa puso habang nakaipit sa rumaragasang tubig baha sa Gapo

ISANG 60 taong gulang na lalaki ang nasawi habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa kasagsagan ng pagragasa ng tubig baha sa Olongapo City, araw ng Sabado.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas 2 ng hapon ng makita ang biktima sa loob ng kanyang kulay asul na MPV na sasakyan at wala na itong buhay ng suriin ng mga rumespondeng rescue and medical team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinasabing bago ang pangyayari ay huli syang nakita na nag park sa isang gilid ng kalsada sa Otero Avenue, Barangay Mabayuan habang rumaragasa ang tubig baha sa lugar.
Maya maya pa ay biglang tumaas ang baha ng hanggang sa dibdib at lumakas ang daloy ng tubig.
Wala namang nakapansin sa kanya na mga residente at mga taong malapit sa kanyang lokasyon na nanghihingi ito ng saklolo.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na inatake sa puso ang biktima na kung saan pinasok ang kanyang sasakyan ng baha at hindi na nagawang iligtas ang sarili
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
