Back to HomeRegions

Ex con todas sa pamamaril sa Cebu City

NI Edward VillosoSeptember 9, 20261 min read0 views
Ex con todas sa pamamaril sa Cebu City
Share:

PATAY ang isang dating bilanggo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa White Road, Barangay Inayawan, Cebu City, madaling-araw nitong Miyerkules, Setyembre 9.

Nakilala ang biktima na si Daniel Mondego, 40 anyos at residente sa naturang lugar.

Nabatid sa report na si Mondego ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa Inayawan Police Station, bandang alas-4 ng madaling-araw nang utusan siya ng kanyang tiyahin na si Gloria na ayusin ang sirang tubo ng tubig.

Matapos ang nasabing pagkukumpuni, umalis umano si Mondego sa kanilang bahay kasama ang isang hindi pa nakikilalang babae.

Makalipas ang mahigit isang oras pasado alas-5 ng madaling-araw, nakatanggap ang pamilya ng impormasyon na binaril si Mondego malapit sa dating dumpsite sa Inayawan.

Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga duktor.

Sinasabi sa imbestigasyon na posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay kay Mondego.

Napag alamang ilang beses nang nakulong ang biktima dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal drug activities.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Related Articles