LTO inirekomenda ang lifetime ban sa taxi driver na inireklamo ng pasahero

INIREKOMENDA ng Land Transportation Office (LTO) ang lifetime ban sa isang driver ng GSM Green Taxi na inireklamo ng isang pasahero kaugnay ng umano’y misconduct o maling pag uugali matapos itong ibaba sa lugar na hindi ang tamang destinasyon sa Parañaque City noong Setyembre 12, 2026.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang LTO at naglabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa driver matapos makatanggap ng reklamo.
Batay sa reklamo ng pasahero, nakatulog umano siya habang bumibiyahe sakay ng taxi at hindi siya naibaba sa kanyang itinakdang drop-off point.
Sa halip, dinala umano siya sa ibang lugar.
Ginamit ng LTO bilang bahagi ng ebidensiya ang CCTV footage at impormasyon tungkol sa driver na nakapaloob sa booking details ng pasahero upang matukoy ang taxi driver na sangkot sa insidente.
Inatasan ng LTO ang driver at ang rehistradong may-ari o operator ng taxi na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 24, 2026, para sa imbestigasyon.
Samantala, maaari ring patawan ng kaukulang pananagutan ang rehistradong may-ari o operator ng sasakyan sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01, kabilang ang paglabag sa probisyon hinggil sa employing insolent or discourteous driver at breach of franchise conditions, kung mapatutunayang nagkasala.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
