Pinsala sa agrikultura dahil sa Habagat, 3 bagyo umabot sa P2.32-Bilyon

UMABOT na sa P2.32 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng epekto ng habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa pinakahuling tala ng DA na inilabas nitong Huwebes, tumaas ng 21.5 porsyento ang pinsala mula sa P1.91 bilyon na naitala noong Lunes.
Ayon sa DA, nasa 69,615 magsasaka at mangingisda mula sa walong rehiyon ang naapektuhan ng mga sama ng panahon.
Kabilang dito ang Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.
Nasa 60,896 metriko tonelada naman ng mga pananim ang nasira sa kabuuang 62,732 ektarya ng lupang sakahan.
Kabilang sa mga naapektuhang produkto ang palay, mais, kamoteng kahoy, high-value crops, pangisdaan, livestock at poultry, gayundin ang mga imprastraktura, makinarya at kagamitan para sa agrikultura at pangisdaan.
Pinakamalaki ang pinsala sa palay, na umabot sa P1.39 bilyon o 59.74 porsyento ng kabuuang agricultural damage.
Karamihan sa mga naapektuhang palayan ay nasa vegetative at reproductive stages.
Samantala, umabot sa P692.21 milyon, o 29.83 porsyento ng kabuuang pinsala, ang naitalang lugi sa high-value crops.
Kabilang sa mga nasirang pananim ang mga gulay na itinatanim sa upland at lowland areas, spices, legumes, avocado, calamansi, citrus, durian, guyabano, honeydew, lanzones, mangosteen, melon, papaya, passion fruit, pineapple, rambutan, santol, strawberry, watermelon, saging, mangga, root crops, commercial crops at ornamental plants.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
