Back to HomeRegions

Joke only!": Mga studyanteng nasa likod ng school shoot threat sa Olongapo City tukoy na

NI Edward VillosoSeptember 24, 20262 min read0 views
Joke only!": Mga studyanteng nasa likod ng school shoot threat sa Olongapo City tukoy na
Share:

NATUKOY na ng mga awtoridad ang mga sangkot sa dalawang insidente ng pananakot sa mga paaralan sa Olongapo City na kumalat sa social media nitong mga nakaraang araw, na napatunayang "joke only" lamang umano ang mga banta.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Rolen Paulino Jr., kung saan sa unang insidente ay natukoy at natunton nila kasama ang pulisya ang tatlong estudyante mula sa Gordon Heights National High School, na edad 14 hanggang 15, gayundin ang isang estudyante mula sa Aurora.

Ayon sa mga sangkot, ang kanilang ipinakalat na banta sa social media app partikular sa Meta na dating Facebook, ay ginawa lamang umano bilang “joke.”

Sa ikalawang insidente naman, limang kabataan mula sa Barangay Sta. Rita, edad 17 hanggang 21, ang natukoy na may kaugnayan sa kumalat na banta.

Matapos ang imbestigasyon, nakumpirma ng mga awtoridad na wala din na basehan ang naturang banta.

Ayon kay Paulino, patuloy nilang pinag-aaralan kung anong kaukulang kaso o aksyon ang maaaring ipataw sa mga sangkot upang maiwasan na maulit ang naturang pagbabanta.

Binigyang-diin ni Paulino na hindi dapat ituring na biro ang anumang uri ng pagbabanta sa mga paaralan dahil maaari itong magdulot ng takot at panic sa mga estudyante, guro, magulang at publiko.

Hinikayat din ang publiko na huwag magpakalat o gumawa ng mga walang basehang banta at sa halip ay agad na ipagbigay-alam sa barangay o pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang insidente.

Nagpasalamat naman ang mga awtoridad sa pamunuan ng Olongapo City Police Office, sa pangunguna ni City Director PCOL Deonido Maniago Jr., sa mabilis na pagtugon at pagresolba ng kaso.

Patuloy din na nananawagan ang pulisya sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang seguridad sa mga paaralan at komunidad.

Related Articles