Pilandok lalakas, magiging bagyo

POSIBLENG maging ganap na tropical storm ang Tropical Depression “Pilandok” pagsapit ng Martes, Setyembre 1, habang patuloy itong kumikilos sa Philippine Sea. Ayon sa PAGASA, nasa 1,145 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon ang sentro ng Pilandok nitong Lunes ng alas-5 ng hapon.
Taglay nito ang 55 km/h na lakas ng hangin malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h. Gayunman, sinabi ng PAGASA na mababa ang posibilidad na tumama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyo dahil mananatili itong malayo sa bansa.
Maaari pa itong halos huminto o mabagal na kumilos sa silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon sa susunod na 36 oras bago muling tumulak pahilagang-kanluran.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Pilandok pagsapit ng Miyerkules ng hapon o gabi.
Samantala, walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa bansa. Sa kabila nito, patuloy na magdadala ng malalakas hanggang gale-force na pagbugso ng hangin ang habagat sa malaking bahagi ng Pilipinas.
Mataas din ang posibilidad ng maalon hanggang napakaalon na karagatan sa ilang bahagi ng bansa. Pinakamapanganib ang western seaboards ng Babuyan Islands at Ilocos Norte, kung saan maaaring pumalo sa 4.5 metro ang taas ng alon.
Pinapayuhan ang mga mangingisda, marino at operator ng maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa mga lugar na delikado ang kondisyon ng dagat.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
