DND, kinondena ang artikulo ng Chinese state media na nagsasabing hindi pag-aari ng Pilipinas ang Batanes

MARIING kinondena ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes ang isang artikulo ng Chinese state media na nagsasabing hindi kabilang sa teritoryo ng Pilipinas ang Batanes.
Ang pahayag ng DND ay kasunod ng inilathalang opinion piece ng state-run Global Times noong Setyembre 3 na may pamagat na “History shows that Batanes Islands do not belong to the Philippines.”
Isinulat ito ni Wang Yuanyuan, assistant research fellow sa National Institute for South China Sea Studies – Center for South China Sea History and Culture.
Sa artikulo, iginiit ni Wang na batay umano sa kasaysayan at batas, bahagi ng Taiwan ang Batanes at walang legal na batayan upang isama ang mga isla sa teritoryo ng Pilipinas.
Iginiit din ng Global Times na may mga Chinese na nanirahan umano sa Batanes “mula pa noong sinaunang panahon” at may ma kasaysayan at kultural na ugnayan ang mga residente nito sa Taiwan.
Bilang tugon, tinawag ng DND ang naturang artikulo na “state-sponsored propaganda” at sinabing isa itong halimbawa ng patuloy na pagpapakalat ng China ng mga baluktot na naratibo sa buong mundo.
Binigyang-diin ng kagawaran na hindi kailanman naging bahagi ng China ang Batanes o alinmang teritoryo ng Pilipinas, at hindi nito hahayaang maapektuhan ang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa.
“Mariing kinukundena ng Department of National Defense ang state-sponsored propaganda na nag-aangking bahagi ng Tsina ang Batanes. Patunay lamang ito sa patuloy na pagpapakalat ng Tsina ng mga baluktot na naratibo sa buong mundo,” pahayag ng DND.
“Hindi kailanman naging bahagi ng Tsina ang Batanes o anumang lugar sa Pilipinas, at kailanman ay hindi natin hahayaan ang anumang pagtatangka sa soberanya at teritoryo ng Republika ng Pilipinas,” dagdag nito.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
