Back to HomeBusiness

Mooncake Festival 2026, ipinagdiriwang sa Quezon City

NI JG TumbadoSeptember 21, 20261 min read0 views
Mooncake Festival 2026, ipinagdiriwang sa Quezon City
Share:

PORMAL nang binuksan ang Quezon City Mooncake Festival 2026 sa Banawe Chinatown nitong Sabado, sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, tampok ang mga lokal na pagkain, cultural activities at entertainment para sa mga QCitizens.

Tampok sa taunang selebrasyon ang mga pagkain at produkto mula sa mga lokal na negosyante sa lungsod, kabilang ang mga espesyal na handog na maaaring tikman at bilhin ng mga dumalo sa festival.

Ipinakikita rin sa pagdiriwang ang kultura at tradisyon ng Mid-Autumn Festival, kasabay ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na negosyo na maitaguyod ang kanilang mga produkto.

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang Mid-Autumn Dice Game, Mooncake Festival Gallery, dance competition at mga live music performance.

Inihanda ng pamahalaang lungsod ang serye ng mga aktibidad bilang bahagi ng buong araw na selebrasyon sa Banawe Chinatown.

Inaanyayahan ang mga QCitizens at iba pang bisita na makiisa sa mga aktibidad at tangkilikin ang mga produktong inihahandog ng mga lokal na negosyante.

Ang Mooncake Festival ay bahagi ng mga pagdiriwang na naglalayong itampok ang kultura at tradisyon ng Mid-Autumn Festival habang pinapalakas ang suporta sa mga lokal na negosyo sa Quezon City.

Related Articles