Bryce Hernandez et al, nagpasok ng not guilty plea sa kasong graft sa Sandiganbayan

NOT guilty, ang ipinasok na plea sa Sandiganbayan nitong Miyerkules nina dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez at 6 na iba pa kaugnay sa kinakaharap na kasong graft na inihain laban sa kanila sa flood control project anomalies.
Bukod kay Hernandez, kabilang sa mga kinasuhan ang mga dating opisyal ng DPWH-Bulacan First District Office na sina Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Lawrence Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan at Cristina Mae Pineda.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagkakasangkot ng mga akusado sa isang P77-milyong flood control project sa Balagtas, Bulacan na sinasabing hindi naman talaga umiiral.
Nahaharap ang mga akusado sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Samantala, nananatiling at large ang tatlo pang akusado sa kaso—ang dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at ang kanyang mga staff na sina John Paul Estrada at Mark Tecsay.
Nagpapatuloy ang proseso ng paglilitis sa Sandiganbayan Fifth Division kaugnay ng mga alegasyon laban sa mga akusado.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
