Isa sa mga miyembro ng bandidong grupo na pumaslang sa SAF 44 todas sa engkwentro

NAPATAY ng pulisya ang isang umano’y kilalang gun-for-hire at personalidad sa ilegal na droga at wanted kaugnay ng insidente sa Mamasapano noong 2015, sa nangyaring engkwentro sa Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay Police Capt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), ang napaslang na suspek na si Rambo London Guiasalim, alyas “London,” residente ng Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, ay matagal ng tinutugis ng mga awtoridad dahil sa mga kasong pagpatay sa ilang personalidad gaya kay Alfredo Amelista, dating municipal administrator ng Shariff Aguak, bukod pa sa umano’y illegal drug activities at ilang insidente ng carnapping.
Sinabi ni Salanguit na si London ay kabilang umano sa mga nagsagawa ng pagpaslang sa 44 na miyembro ng elite Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano noong 2015.
Isinagawa ng Provincial Mobile Force Company, Shariff Aguak Municipal Police Station at iba pang police units sa ilalim ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office ang operasyon para ipatupad ang warrant laban kay London sa kanyang hideout sa nabanggit na lugar.
Sa halip na sumuko ay nakipag barilan pa si London sa mga awtoridad hanggang wala na itong buhay na bumulagta.
Nasugatan naman sa insidente ang kanyang asawa na si Marisa Bukanan Khalid, habang naaresto ang isa pa nilang kasama na kinilalang si Tato Abdul Edzong, alyas “Cobra.”
Narekober ng mga pulis sa encounter site ang ilang mga baril, Granada at ilang bulto ng hinihinalang shabu.
Tinawag naman ng Maguindanao del Sur police ang operasyon na “London is Falling Down.”
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
