CALABARZON inflation bumaba sa 5.6%

BAHAGYANG bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa CALABARZON matapos bumaba sa 5.6 percent ang headline inflation ng rehiyon noong Agosto 2026, mula sa 5.8 percent noong Hulyo.
Iniulat ito ni Officer-in-Charge Charity O. Bautista ng Statistical Operations and Coordination Division (SOCD) ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON sa regional press conference noong Setyembre 9, 2026.
Gayunman, mas mataas ang inflation rate noong Agosto kumpara sa 2.4 percent na naitala sa parehong buwan noong 2025. Samantala, umabot sa 5.1 percent ang year-to-date inflation rate ng rehiyon mula Enero hanggang Agosto 2026.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng bahagyang pagbagal ng inflation noong Agosto ang Food and Non-Alcoholic Beverages, na nagtala ng 2.1 percent inflation, at Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels, na may 8.8 percent inflation.
Sa sektor ng pagkain, ilang pangunahing commodity groups ang nakapagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo kumpara noong Hulyo. Kabilang dito ang bigas na may 14.2 percent inflation; fruits and nuts, 8.0 percent; flour, bread and other bakery products, pasta products and other cereals, 6.4 percent; at ready-made food and other food products, 4.8 percent.
Samantala, bumagal ang inflation sa fish and other seafood na nasa 6.9 percent, oils and fats na 6.2 percent, at mais na 1.8 percent.
Nakapagtala naman ng pagbaba ng presyo ang milk, other dairy products and eggs na may -1.0 percent inflation at vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses na may -14.6 percent.
Mas mabagal naman ang pagbaba ng presyo ng meat and other parts of slaughtered land animals, na nagtala ng -5.6 percent inflation noong Agosto. Sa mga lalawigan at highly urbanized city ng CALABARZON, nakapagtala ang Laguna ng 6.7 percent at Cavite ng 4.3 percent inflation, kapwa mas mabagal kumpara sa kanilang inflation rate noong Hulyo.
Samantala, mas mabilis ang pagtaas ng inflation sa Quezon na may 6.3 percent, City of Lucena na may 5.6 percent, at Batangas na may 4.6 percent. Nanatili naman sa 6.6 percent ang inflation rate ng Rizal.
Bukod dito, naitala sa rehiyon ang purchasing power of peso (PPP) na 73 sentimos noong Agosto 2026, na nangangahulugang ang halaga ng piso ay nasa 73 sentimos kumpara sa purchasing power nito noong 2018.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
