Back to HomeRegions

Dahil sa malawakang pinsala ; State of Calamity, ideneklara sa Olongapo City

NI Alex Galang September 1, 20262 min read0 views
Dahil sa malawakang pinsala ; State  of Calamity, ideneklara sa Olongapo City
Share:

ISINAILALIM na sa State of Calamity ang lungsod ng Olongapo dahil sa malawakang pinsala na idinulot ng pagbabaha bunsod ng habagat at nagdaang mga bagyo.

Kasunod ito ng paglagda ng lahat ng Sangguniang Panglunsod council sa deklarasyon ng punong ehekutibo ngayong araw ng Martes, September 1.

Nagpasalamat ang pamahalaang lungsod sa City Council na pinamumunuan ni Vice Mayor Kaye Ann Legaspi, gayundin sa lahat ng mga konsehal, dahil agad nilang tinugunan ang kahilingan.

Sa kabila ng idineklarang suspensyon ng pasok ng national government, dumalo pa rin ang mga miyembro ng konseho upang maisagawa ang kinakailangang pagtalakay at aksyon kaugnay ng deklarasyon.

Sa ilalim ng State of Calamity, maaaring gamitin ng lungsod ang Quick Response Fund (QRF) para sa pagbili ng mga kinakailangang gamot, pagkain at iba pang emergency supplies, gayundin sa pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga imprastrakturang napinsala ng pagbaha.

Ang desisyon na isulong ang deklarasyon ay nabuo matapos ang emergency meeting ng Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) na isinagawa noong nakaraang araw.

Dumalo rito ang mga kinatawan ng iba't ibang departamento ng pamahalaang lungsod.

Patuloy namang hinihikayat ng mga opisyal ang mga residente na mag-ingat at manatiling alerto habang patuloy na tinutugunan ng lungsod ang epekto ng matagal na pag-ulan at pagbaha na tumagal ng halos isang buwan.

Related Articles