Police vlogger arestado sa panggagahasa sa menor de edad sa sementeryo

ARESTADO ang isang police vlogger makaraan nitong halayin ang menor de edad na babae sa isang sementeryo sa bayan ng Villanueva sa Negros Oriental nitong Sabado ng gabi.
Nakakulong ngayon sa Misamis Oriental Provincial Police Office (MOPPO) ang suspek na may ranggong Police Staff Sergeant at Vlogger ng dati nitong presinto sa Villanueva Municipal Police Station (VMPS).
Ang naturang police vlogger ay inakusahan ng panghahalay ng isang 15 anyos na babae sa loob ng pampublikong sementeryo.
Batay sa report ng pulisya, dinala ng suspek ang biktima sa isang madilim na bahagi ng sementeryo at duon isinagawa ang krimen.
Nakapagsumbong umano ang biktima sa mga awtoridad kinabukasan na dahilan upang arestuhin ang suspek ng kanyang mga kabaro sa Villanueva Municipal Police Station (VMPS).
Naisampa na ang kasong rape sa ilalim ng Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 para sa inquest proceedings sa tanggapan ng piskalya.
Humingi naman ng paumanhin sa publiko si Misamis Oriental Provincial Police Office (MOPPO) Director Police Colonel Ali Abanales kaugnay ng insidente.
Ayon kay Abanales, lumilitaw sa paunang imbestigasyon na isang isolated incident at personal na pagkakasala ito ng suspek.
Tiniyak ng opisyal na agad ding isasampa ang kaukulang administrative case laban sa suspek bilang bahagi ng proseso upang mapatalsik ito sa serbisyo kung mapatutunayang nagkasala.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
