Biyahe ng mga bus patungong Olongapo, Pampanga, Bataan at Clark kanselado dahil sa baha

PINAPATUHAN ang mga pasahero na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe matapos kanselahin ang mga bus trip ngayong araw ng Martes, September 01, 2026, patungo sa ilang destinasyon dahil sa matinding trapiko at pagbaha sa bahagi ng San Simon, Pampanga, ng North Luzon Expressway (NLEX).
Batay sa abisong inilabas sa isang bus terminal, kanselado ang lahat ng biyahe patungo sa Olongapo, Pampanga, Mariveles, Balanga, Bataan at Clark Airport.
Ayon sa abiso, ang pagkansela ng mga biyahe ay bunsod ng mabigat na daloy ng trapiko at pagbaha sa San Simon, Pampanga, na nakaaapekto sa biyahe ng mga pampasaherong bus.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang bus operator o terminal para sa pinakabagong impormasyon bago bumiyahe.
Hinihikayat din ang publiko na maglaan ng sapat na oras sa paglalakbay at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso hinggil sa kondisyon ng trapiko, panahon at mga kalsadang apektado ng pagbaha.
Paalala sa mga biyahero: Unahin ang kaligtasan at iwasang bumiyahe sa mga lugar na lubog sa baha kung hindi kinakailangan.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
