Konsehala Gutierrez inireklamo ng tribal Chieftain ng kasong kriminal sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong kriminal sa Office of the Ombudsman ang isang Tribal Chieftain ng Ayta Ambala Indigenous Cultural Community laban kay Subic, Zambales Councilor Sherill “She” Gutierrez at anim na iba pa kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggamit ng isang resolusyon upang bigyan ng awtoridad ang ilang indibidwal na kumatawan sa mga katutubong Aeta.
Base sa 13 pahinang reklamo ni Francis Santos, Tribal Chieftain ng Ayta Ambala, maliban kay Gutierrez isinama nito sa demanda ang anim pang indibibdwal na sina Evangeline Q. Rodriguez, Alex Hermoso, Roger Solomon, Salve Domingo, Linda Pulagay at Lea Ulila.
Nahaharap ang mga inireklamo sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, falsification at paggamit ng falsified document, estafa, grave misconduct at conduct unbecoming of a public official.
Ayon kay Santos, Setyembre 21, 2025 nang ipatawag ang dating Chieftain ng Ayta Ambala ICC na si Virgilio Delos Santos sa isang pulong na ginanap sa bahay na nagsisilbing opisina ni Gutierrez kasama ang ilang miyembro ng Ayta community at ipinakita ang isang dokumentong sinabing may kaugnayan sa Resolution No. 1, Series of 2025 ng Alyansa ng Katutubong Ayta ng Subic o AKAS.
Ang naturang dokumento ay pinirmahan nina Solomon, Domingo, Pulagay at Ulila na nagpapakilala bilang tribal chieftain o kinatawan ng kani kanilang grupo kahit wala umano silang authority.
May nilabag umano ang naturang resolusyon dahil hindi ito dumaan sa customary o nakasanayang proseso ng pagdedesisyon ng buong komunidad at hindi umano nila kinikilala ang resolusyon bilang isang lehitimong kasunduan.
Sa ginawang validation ng NCIP kamakailan lang, binanggit ni Delos Santos na inamin umano ni Solomon kay Rodriguez na hindi siya tribal chieftain o tribal official subalit lumagda pa rin siya sa dokumento..
Nakasaad din sa naturang resolusyon na sina Rodriguez at Hermoso ay binigyan umano ng “authority” upang kumatawan sa mga usapin ng IPs/ICCs sa Subic at magsilbing general advisers at consultants gayung walang naganap na community assembly sa hanay ng mga katutubo.
Ang naturang resolusyon at pagkakaroon ng authorization ng mga respondent ay nagkaroon ng panghihimasok sa usapin ng kanilang komunidad at ancestral domain, kabilang ang pagkuha ng kopya ng Certificate of Ancestral Domain Title o CADT.
Ayon pa kay Santos, malaki ang naging partisipasyon ni Gutierrez dahil sa mismong tanggapan nito binuo at pinag usapan ang iregularidad sa resolusyon at ginamit nito ang kanyang posisyon bilang public officer sa ilalim ng RA 3019.
Dahil sa panghihimasok ni Gutierrez at ng kanyang kampo ay nagbigay ng “unwarranted benefit, advantage, o preference at nagdulot ito ng undue injury sa kanilang Indigenous Cultural Community (ICC).
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
