Vice Mayor ng Marantao, Lanao del Sur dinakip sa mga kasong pagpatay

DINAKIP ng mga awtoridad ang kasalukuyang Vice Mayor ng Marantao, Lanao del Sur dahil sa mga kaso ng pagpatay sa iba't ibang lugar sa lalawigan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP)-Public Information Office Chief Police Col. Allan Rae Co, nakilala ang suspek na si Vice Mayor Eli Eskandar Unte Alonto III, alyas “Bimmy Alonto".
Si Alonto ay naaresto sa kanyang tinutuluyang hotel sa Crystal Inn sa Barangay San Miguel, Iligan City., makaraang ikasa ng pulisya ang operasyon dakong alas 8:45 ng gabi ng Biyernes.
Ayon sa PNP, may warrant of arrest laban kay Alonto para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa, habang may hiwalay siyang warrant para sa frustrated murder na may inirekomendang piyansang P200,000.
Kapwa inilabas ang mga warrant noong Hulyo 15, 2026, ni Judge Jamel Tabao Mamutik, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 44 sa Initao, Misamis Oriental.
Napag alamang nangunguna si Alonto sa wanted list sa Marantao, ikatlo sa Lanao del Sur, at ikaapat sa Regional List of Wanted Persons ng Police Regional Office 10.
Nitong nakalipas na 2025 midterm elections, tinalo ni Alonto ang kanyang katunggali na si Saidamen Naga sa lamang na 542 boto.
Pinuri naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez ang mga operatiba na nagsagawa ng pag-aresto, na isinagawa sa kabila ng holiday break.
Ayon kay Nartatez, ipinakita ng operasyon ang tunay na kahulugan ng tungkulin ng PNP sa pagpapatupad ng batas at pagtitiyak na mananagot ang mga taong may kinakaharap na kasong kriminal.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
