Back to HomeRegions

Mahigit P162 milyon halaga ng 'Kush' na sakay sa isang foreign sailing yacht nasabat sa SBMA

Ni Edward VillosoSeptember 3, 20262 min read0 views
Mahigit P162 milyon halaga ng 'Kush' na sakay sa isang foreign sailing yacht nasabat sa SBMA
Share:

NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P162milyon halaga ng high grade marijuana o "Kush" mula sa isang foreign sailing yacht na sumilong pansamantala sa Subic Bay Yacht Club (SBYC) sa Subic Bay Freeport Zone dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa report ng Bureau of Customs - Port of Subic (BOC-POS), gabi ng Miyerkules, September 2, 2026 nang puntahan ang naturang sea vessel ng customs at SBMA police matapos makatanggap sila ng tip na may yate na agad naki silong sa pantalan ng SBYC at humiling ng pagkukumpuni sa kanilang yate.

Agad rumesponde ang pulisya sa lugar kung saan nang inspeksyunin ang yate ay dito tumambad sa kanila ang nasa humigit kumulang 80 piraso ng itim na plastic na naglalaman ng high grade marijuana o kush.

Ayon sa BOC Subic, ang naturang kontrabando ay nagkakahalaga ng P162, 200, 000, 00 sa street value.

Kasabay nito ay ang pagkaka aresto sa dalawang foreign nationals, isang Thailander at Malaysian .

Base sa imbestigasyon, sinabi ng mga suspek na galing sila sa Kota Kinabalu, Malaysia at naglalayag sila patungong Taiwan.

Napilitang humingi ng emergency shelter at pagkukumpuni ang naturang sasakyang-dagat sa SBYC dahil sa masamang lagay ng panahon.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang kaso habang nai turn over na ang mga smuggled illegal drugs sa Philippine Drug Enforcement Agency. (Jeff Tumbado)

In photo : Ang nasabat na mga high grade marijuanna o kush habang iniimbentaryo ng Customs Subic at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos masabat mula sa isang foreign sailing yacht sa Subic Bay Yacht Club (SBYC) sa SBMA.

Related Articles