Bangkay ng babae natagpuan sa loob ng refrigerator sa kanyang apartment

ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan sa loob ng refrigerator sa inuupahan nitong apartment sa Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkoles ng umaga, Setyembre 16, 2026.
Ayon sa pulisya, nitong Setyembre 10, nagtungo ang may-ari ng apartment sa unit ng babae upang papirmahin siya sa kontrata, ngunit walang sumasagot mula sa loob.
Ilang araw ang lumipas nang mapansin ng may-ari ang mabahong amoy na nagmumula sa unit.
Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Nang pasukin ng mga pulis ang apartment, doon nila natagpuan ang biktima na wala nang buhay at nakasilid sa loob ng refrigerator.
Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng babae at kung sino ang huling na kasama nito bago nadiskubre ang karumal dumal na sinapit.
Samantala, nanawagan ang Rodriguez Municipal Police Station sa publiko na tumulong sa pagkilala sa biktima.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
