Presyo ng langis posibleng tumaas ng hanggang P10.50 kada litro sa susunod na linggo

POSIBLENG sumipa ng hanggang P10.50 kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo dahil sa tumitinding geopolitical conflicts na nakaapekto sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa advisory ni Jetti Petroleum president Leo Bellas, tinatayang P10 hanggang P10.50 kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng diesel, habang posibleng madagdagan naman ng P4.50 hanggang P5 kada litro ang presyo ng gasolina.
Sinabi ni Bellas na inaasahan ang malaking pagtaas ng presyo dahil sa pangamba sa “severe product flow constraints and tight availability” bunsod ng digmaan sa Middle East at mga pag-atake sa mga refinery ng langis sa Russia.
“Oil prices surged higher after attacks in the Strait of Hormuz and the Red Sea, the region’s two most important oil transit routes, further deepened supply disruption worries,” ani Bellas.
Ayon pa sa opisyal, ang mga pag-atake sa East-West pipeline ng Saudi Arabia, isang mahalagang ruta para sa pagbiyahe ng langis na umiiwas sa Strait of Hormuz, ay nagresulta sa pagsasara ng sistema at nagpalala sa pangamba sa epekto ng pagbawas ng kapasidad ng Saudi Arabia na mag-export ng langis sa pandaigdigang suplay ng enerhiya.
Batay ang pagtataya ni Bellas sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange.
Ang MOPS ang nagsisilbing pangunahing batayan sa pagpepresyo ng mga refined petroleum products sa Southeast Asia.
Samantala, ilalabas ng pamahalaan ang opisyal na price adjustment sa Lunes. Setyembre 21, 2026.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
