Roblox at Online chat groups, sinisilip sa imbestigasyon sa Ateneo de Zamboanga shooting

PATULOY na inaalam ng mga awtoridad ang motibo at mga posibleng impluwensiyang nagtulak sa isang junior high school student na pumaslang ng kapwa estudyante at pagkatapos ay kitilin ang sariling buhay sa loob ng Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City nitong Martes.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kabilang sa sinusuri ng mga imbestigador ang aktibidad ng suspek sa internet, kabilang ang paggamit nito ng Roblox, isang online gaming platform.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na wala pang tiyak na konklusyon na ang Roblox ang dahilan ng pamamaril.
Kailangan pa umanong isailalim sa forensic examination ang mga gadget ng suspek upang matukoy ang kaniyang online activities at kung may mga nakakausap o grupong maaaring nakaimpluwensiya sa kaniya.
Paliwanag ni Remulla na hindi naman mismo itinuturing na mapanganib ang Roblox.
Ang mas binibigyang-pansin aniya ay ang mga chat group sa loob ng platform kung saan maaaring magkaroon ng radicalization o matinding impluwensiya sa mga kabataan.
Martes ng umaga nang maganap ang nakakagulantang na school shooting ng Isang Grade 9 student sa loob mismo ng Junior High School campus ng Ateneo de Zamboanga University.
Dalawa ang naiulat na nasawi sa insidente kabilang ang grade 10 student at ang mismong shooter.
Bahagi rin ng imbestigasyon ang kung paano nakapasok ang mga baril sa loob ng paaralan.
Ayon kay Remulla, nakarating ang suspek sa paaralan sakay ng sasakyan ng kaniyang ama at naiwasan nito ang security inspection na isinasagawa sa pedestrian entrance ng paaralan.
Ang ama ng shooter ay opisyal ng Customs Police sa Zamboanga Port na ngayon ay sinibak na sa pwesto makaraan ang madugong insidente. (
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
