Drivers license ng aktor na si Niño Muhlach tuluyang ni-revoke ng LTO

TULUYANG ni-revoke o binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang drivers license ng dating child star na si Niño Muhlach matapos itong masangkot sa road car accident sa Marcos Highway, Antipolo City, Rizal, noong Agosto 23, 2026.
Batay sa isinagawang imbestigasyon at pagdinig hinggil sa insidente, lumabas na nakaranas ng matinding pagkapagod ang nasabing aktor bago mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong SUV, na nagresulta sa pag araro nito sa tatlong establisyimento na ikinasugat ng isang motorcycle rider.
Dahil dito, napatunayang may pananagutan ang nasabing aktor sa paglabag sa Reckless Driving at idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan sa pagpapataw ng dalawang taong revocation sa kanyang lisensya sa pagmamaneho.
Samantala, nananatiling nasa alarm status ang naturang sasakyan upang matiyak ang pagpapatupad ng ipinataw na kaparusahan at maiwasan ang anumang transaksyon kaugnay nito habang umiiral ang nasabing resolusyon.
"Seryoso ang LTO sa pagpapatupad ng batas-trapiko, lalo na sa mga paglabag na maaaring magdulot ng panganib sa ibang gumagamit ng kalsada. Ipatutupad natin ang kaukulang kaparusahan batay sa resulta ng imbestigasyon at pagdinig, anuman ang katayuan ng sangkot.” ani LTO Chief Asec. Markus Lacanilao.
Mahigpit na ipinatutupad ng LTO ang mga batas at alituntunin sa kalsada upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng motorista at iba pang gumagamit ng lansangan.
Hinihikayat ng LTO ang publiko na maging responsable sa pagmamaneho at sumunod sa mga itinakdang patakaran upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-ari an.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
