Back to HomeMetro

50 kaso ng insidente ng kaguluhan sa iba't ibang paaralan sa bansa naitala ng PNP

Ipost PHAugust 19, 20262 min read0 views
50 kaso ng insidente ng kaguluhan sa iba't ibang paaralan sa bansa naitala ng PNP
Share:

UMABOT na sa hindi bababa sa 50 insidente ng mga kaguluhan sa iba't ibang paaralan na kinasasangkutan ng mga estudyante ang naitala ng Philippine National Police (PNP) mula Hunyo 16 hanggang Agosto 19, 2026.

Batay sa datos na ibinahagi ng PNP Public Information Office (PIO), kabilang sa mga naitalang insidente ang 26 na bomb threat, 12 shooting threat, apat na insidente ng pananaksak, apat na pagkakaaresto dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril, dalawang insidente ng pamamaril at dalawang death threat.

Hindi naman tinukoy ng PNP PIO kung saang mga paaralan o lugar naganap ang mga insidente.

Muling nabigyang-pansin ang usapin ng seguridad sa mga paaralan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Tacloban City at Zamboanga City.

Noong Hunyo 22, nang maganap ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong mag aaral ang nasawi at nadakip ang dalawang menor de edad na suspek habang nitong nakaraang Martes ng mangyari naman ang madugong school shooting sa loob ng Ateneo de Zamboanga University compound kung saan isang Grade 10 student at ang M mismong grade 9 student shooter ang nasawi.

SInabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na pinag-aaralan ng kanyang departamento ang pagrerepaso sa umiiral na polisiya hinggil sa mga security measure sa mga institusyong pang-edukasyon.

Ayon kay Remulla, maaaring isama sa susuriing polisiya ang mga pribadong paaralan upang matiyak ang mas mahigpit na seguridad sa mga estudyante at kawani.

Related Articles