Bagyong Saudel posibleng maging super bagyo pagpasok sa PAR

POSIBLENG maging ganap na Super Bagyo kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Saudel Lunes ng umaga o hapon, ayon sa PAGASA.
Alas-10 ng umaga nitong Linggo, namataan ang bagyo may layong 2,085 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometro bawat oras, na may pagbugsong hanggang 205 kph, at kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Inaasahang mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas ang Saudel ngunit palalakasin nito ang Habagat pagsapit ng susunod na weekend.
Dahil dito, posibleng makaranas ng mas maraming pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, kung saan posible ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, hindi pa rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na pumasok sa PAR ang tropical depression na namataan sa silangan ng Southern Luzon.
Maaaring ipangalan dito ang lokal na pangalan na Obet o Pilandok, depende sa pagkakasunod-sunod ng pagpasok ng mga bagyo sa PAR.
Ang tropical depression ay namataan 1,190 kilometro silangan ng southeastern Luzon dakong alas 8 ng umaga malapit sa silangang hangganan ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph, na may pagbugsong hanggang 70 kph, at mabagal na kumikilos pahilagang-hilagang-silangan.
Kung papasok sa PAR ang weather disturbance, inaasahang magiging panandalian lamang ang pananatili nito dahil maaapektuhan ito ng mas malakas na Bagyong Saudel.
Sa mga susunod na araw, posible itong magsanib sa mas malawak na circulation ng Saudel.
Sa hilaga ng bansa, ang Tropical Depression Gaenari ay namataan 635 kilometro hilagang-silangan ng Batanes at hindi inaasahang muling papasok sa PAR o direktang makakaapekto sa bansa.
Samantala, patuloy na umiiral ang Habagat sa Luzon, na nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
Mananatiling mainit at maalinsangan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, na may posibilidad ng mga isolated rain showers o thunderstorms pagsapit ng hapon o gabi.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
