Back to HomeRegions

South korean missionary at Pastor patay matapos malunod sa ilog

NI Edward VillosoSeptember 26, 20261 min read0 views
South korean missionary at Pastor patay matapos malunod sa ilog
Share:

NASAWI ang isang 69-anyos na South Korean missionary at isang 49-anyos na pastor matapos silang malunod sa Ikmin River sa Sitio Bani, Poblacion, Boliney, Abra noong Biyernes, Setyembre 25.

Nakilala ang mga biktima na sina Hye Sook Byeon at ang Pastor na si Zosimo Gaano ng Jesus Our Banner Church.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) , tinangay si Byeon ng malakas na agos ng ilog.

Sinubukan naman siyang sagipin ni Gaano, ngunit tinangay rin ito ng rumaragasang tubig.

Narekober ang katawan ni Byeon dakong 2:39 ng hapon sa Sitio Paak, Poblacion habang natagpuan naman ang labi ni Gaano dakong 6:30 ng gabi sa Bantay, Sallapadan, Abra, matapos ang search and rescue operation sa bahagi ng ilog na nasa pinaka ibabang lugar.

Sinasabi sa imbestigasyon na ang dalawang biktima ay nagkayaan umanong maligo sa nabanggit na ilog.

Related Articles