2 estudyante patay sa panibagong school shooting rampage sa Zamboanga

Dalawang high-school students ang nasawi sa walang habas na pamamaril ng isang lalaking Grade 7 student sa loob ng Ateneo de Zamboanga University (ADZU) sa Zamboanga City umaga ng Martes, Agosto 18.
Ayon sa report, nakatanggap ang mga awtoridad ng tawag hinggil sa insidente bandang alas-7:50 ng umaga.
Naiulat na isinagawa rin umano ng suspek ang livestreaming sa social media sa kalagitnaan ng kanyang pamamaril sa mga estudyante at guro sa bawat madaanan nitong silid aralan.
Batay sa ilang mga kuha na video recording sa cellphone, makikita ang umano’y suspek na nakatayo sa labas ng isang classroom habang may hawak na automatic rifle.
Hindi umano agad napansin ng mga estudyante ang panganib habang nakikinig sa kanilang instructor.
Nang marinig ang mga putok ng baril, nagsitakbuhan ang mga estudyante upang makaiwas bago umano nagtungo ang suspek sa isa pang classroom at muling namaril.
Nagsikap ding makatakas ang mga estudyante sa naturang silid sa pamamagitan ng isa pang labasan.
Ayon kay Councilor Fred Atilano, chairperson ng Council Peace and Order Committee, dalawang bangkay ang natagpuan sa loob ng gusali.
Natagpuan sa ikalimang palapag ang labi ng umano’y Grade 7 shooter, habang ang baril na ginamit sa insidente ay nakita malapit sa kanyang katawan.
Samantala, natagpuan naman sa loob ng isang classroom sa ikaapat na palapag ang katawan ng isa pang lalaking estudyante, kung saan naunang naiulat na nagpaputok ng baril ang suspek.
Dahil sa insidente, ipinag-utos ni Mayor Khymer Olaso ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Ateneo de Zamboanga.
Isinagawa rin ang isang press conference sa Ateneo de Zamboanga na pinangunahan ni Acting Mayor Beng Climaco at City Police Director Col. Fidel Fortaleza.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong pangyayari at motibo sa pamamaril
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan
ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City. Nabat…
