Back to HomeRegions

Grade 7 student nakuhanan ng kutsilyo habang papasok sa loob ng paaralan

NI edward VillosoSeptember 23, 20262 min read0 views
Grade 7 student nakuhanan ng kutsilyo habang papasok sa loob ng paaralan
Share:

NAKUHANAN ng isang kutsilyo ang isang estudyante ng Marbel 7 National High School sa Koronadal City nitong Martes ng umaga, kasabay ng pinaigting na seguridad sa mga paaralan matapos ang pamamaril noong Biyernes sa kalapit na bayan ng Banga na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng anim na iba pa.

Nadiskubre ang kutsilyo sa loob ng bag ng studyante habang ito ay papasok sa paaralan na dumaan sa security screening.

Kasabay ng pagkakatuklas ang muling pagpapatuloy ng klase matapos suspendihin ng pamahalaang lungsod ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan noong Lunes upang bigyang-daan ang safety at security assessment sa mga paaralan sa buong Koronadal.

Sa isang video na inilabas ni Barangay Topland Chairperson Terrence Jay Ehimplar, ipinakita nito ang kutsilyo na umano’y nakuha mula sa isang estudyante sa isinagawang inspeksyon sa gate ng junior high school.

Wala pang inilabas na karagdagang detalye tungkol sa pagkakakilanlan ng estudyante o sa naging aksyon ng mga opisyal ng paaralan matapos madiskubre ang kutsilyo.

Nagpulong naman noong Lunes ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang mga hakbang para palakasin ang seguridad sa mga paaralan.

Kabilang sa mga hakbang ang pag-deploy ng Barangay Peacekeeping Action Teams at pagdaragdag ng presensya ng mga pulis upang tumulong sa security inspections, kabilang ang pagsusuri sa mga taong pumapasok sa mga paaralan.

Related Articles