LTO-NCR office sa Quezon City nasunog

TINATAYANG nasa P30,000 halaga ang napinsalang mga kagamitan sa sumiklab na sunog sa tanggapan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa Araneta Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang computer at dalawang mesa lamang ang natupok sa sunog na nagsimula dakong alas-11:14 ng umaga sa isang opisina sa ikatlong palapag ng gusali.
Itinaas sa ikalawang alarma ang insidente bago tuluyang naapula ng mga bumbero dakong alas-12:04 ng tanghali.
Sinabi ng BFP na kabilang sa mga tinitingnang posibleng dahilan ng sunog ang electrical short circuit.
Hindi na kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng gusali.
Ayon naman kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, walang mahahalagang personal records ang nasunog sa insidente.
Aniya, ang mga natupok na computer ay ginagamit para sa inventory ng distribution ng mga plaka.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan dahil sarado ang tanggapan nang mangyari ang sunog nitong Linggo.
Inaasahang babalik sa normal ang operasyon ng LTO-NCR ngayong araw ng Lunes, Setyembre 21. (Jeff Tumbado)
In photo : Ang nasunog na gusali ng LTO-NCR sa Araneta Avenue, Quezon City na madaling naapula ng mga bumbero.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City
In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling St…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…
