Back to HomeNation

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla

NI Alex Galang October 7, 20263 min read0 views
P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
Share:

SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipasailalim sa drug testing ang opisyal kasunod ng naging mainitang sagutan at sigawan sa pagitan ng ilang kapitan ng barangay sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan.

Sa isang pahayag ni Respicio sa kanyang meta post, pina re-reimburse nito kay Remulla ang ibinayad sa drug testing na nagkakahalaga ng P28, 000 sa St. Lukes Hospital.

Ayon kay Respicio sa isang panayam sa media nitong Miyerkules, pinili niyang sumailalim sa isang komprehensibong pagsusuri na may qualitative at quantitative drug testing.

“Pinaka-extensive na drug test yung pina-take ko, may qualitative at may quantitative. Kakakuha lang ng sample sa akin at sa loob ng 15 minuto lalabas na ang qualitative results. Sa loob naman ng dalawang oras lalabas na rin ang quantitative results,” ani Respicio.

Sinabi ni Respicio na handa siyang harapin ang anumang kaukulang proseso kaugnay ng kanyang naging asal sa naturang sesyon.

“Makikita naman nila ang lahat ng nangyari sa live. Parusahan nila ako,” ani Respicio.

Gayunman, iginiit ng bise alkalde na nais din niyang mapanagot ang mga umano’y nagnanakaw sa kanilang bayan at ang mga sinasamantala ang mga magsasaka at suplay ng tubig.

“Pero ang gusto ko rin mangyari, parusahan nila ang nagnanakaw sa bayan namin at ang nanghaharas ng tubig o farmers kasi mas mabigat ang parusa doon,” dagdag niya.

Nauna rito, sinabi ni Remulla na nais niyang ipasailalim sa drug test si Respicio matapos mapansin ang naging pag-uugali nito sa sesyon ng lokal na konseho.

“Ipapa-drug test ko muna. Parang wala sa sarili eh. I advise him we will give him a drug test kasi mukhang adik eh yung asal niya,” pahayag ni Remulla sa isang ambush interview.

Dagdag pa ng kalihim, hindi umano pangkaraniwan para sa isang bise alkalde ang naturang asal.

“Meron bang normal na vice mayor na ganun? Parang wala sa sarili eh, parang hindi halal,” ani Remulla.

Binanggit din ni Remulla ang umano’y insidente ng pagsigaw ni Respicio sa isang pulis na naroon sa sesyon.

“Meron doon yung abuse towards a person of authority nung pinagsisigawan niya yung pulis. Nakatayo lang yung pulis doon,” ani Remulla.

Gayunman, sinabi ng kalihim na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at ipinauubaya muna niya kay Isabela Governor Rodolfo Albano III ang paghawak sa usapin.

“We are still investigating and I am leaving it to Gov. Albano to handle it,” dagdag ni Remulla.

Lumabas na negative ang resulta ng drug test ni Respicio kung saan binati naman sya ni Remulla sabay sabing "hindi pala drugs, may deperensya ka lang talaga sa utak" ani Remulla.

Related Articles