Back to HomeNation

Mosyon ni VP Sara sa inhibition ng isang Hukom sa kaso ng grave threats ibinasura ng QC RTC

NI JG TumbadoSeptember 15, 20262 min read0 views
Mosyon ni VP Sara sa inhibition ng isang Hukom sa kaso ng grave threats ibinasura ng QC RTC
Share:

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang mosyon na humihiling na umatras o mag-inhibit ang presiding judge na humahawak sa kasong grave threat laban kay Vice President Sara Duterte.

“We note the Court’s order denying the motion to inhibit by the accused,” pahayag ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez.

Gayunman, tumanggi si Martinez na magbigay pa ng karagdagang detalye hinggil sa desisyon ng korte, bilang pagsunod sa sub judice rule.

Sa ilalim ng sub judice rule, nililimitahan ang pagbibigay ng mga pampublikong pahayag, komento o media coverage na maaaring makaapekto sa isang kasong kasalukuyang dinidinig ng korte.

Kinumpirma rin ng legal team ng bise presidente ang pagtanggi ng korte sa kanilang mosyon para sa inhibition, habang binigyang-diin na susundin nila ang naturang tuntunin.

“We confirm receiving the RTC-Quezon City, Branch 98’s order denying our motion for inhibition of the Honorable Presiding Judge. The Vice President will exercise all available remedies,” ani Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Duterte.

Sinabi rin ni Lim na natanggap nila ang kautusan ng korte na nag-aatas sa magkabilang panig na mahigpit na sumunod sa sub judice rule at umiwas sa pampublikong pagtalakay sa merito ng kaso.

“We will continue to comply, consistent with the Vice President’s respect for the rule of law,” dagdag ni Lim.

Related Articles