Sunog sumiklab sa isang residential area sa Quezon City

In photo : Mula sa mataas na gusali ay kita ang malaking bahagi na pinsala sa mga kabahayang tinutupok ng apoy habang pilit namang inaapula ng tubig ng mga rumespondeng mga bumbero sa Waling Waling Street, Barangay Central, Quezon City .
UMABOT sa Fifth Alarm ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Waling-Waling Street, Barangay Central, Quezon City Martes ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog bandang 12:47 ng hapon.
Pagsapit ng 1:00 ng hapon, umakyat ito sa Second Alarm, sinundan ng Third Alarm alas-1:10 ng hapon.
Pagsapit ng alas-1:27 ng hapon, itinaas naman ang sunog sa Fourth at kalaunan ay Fifth Alarm dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy sa mgkakadikit na kabahayan.
Idineklarang under control ang sunog alas-2:47 ng hapon.
Karamihan sa mga bahay na naapektuhan ay gawa sa mga light materials, kaya mabilis na kumalat ang apoy sa residential area na malapit sa Lung Center of the Philippines.
Naging dagdag na hamon din sa mga residenteng naapektuhan ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat habang isinasagawa ang pag-apula sa sunog.
Pansamantalang sumilong sa ulan ang ilang residenteng nawalan ng tirahan habang patuloy ang operasyon ng mga awtoridad sa lugar.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala.
Wala pang inilalabas na opisyal na ulat hinggil sa posibleng mga nasawi o nasugatan.
Related Articles

Pickup truck, nang araro sa North Fairview, 4 sugatan
ISANG ginang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 3 iba pa ang sugatan makaraang mang araro ang pick up truck sa Barangay North Fairview, Quezon City umaga ng Miyerkules. Sa paunang impormasyon…

P496.4-M halaga ng shabu nasabat sa loob ng industrial machinery mula Mexico
NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P496.413 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 73.002 kilo, at itinago sa loob ng industrial machinery mula Guadalajara, Mexico. Pinangunahan ng Bureau…

Dalawang kabataan, natagpuang nakahandusay at baldado sa isang sapa sa QC
In photo : Pinagtulungan na ng mga pulis at taga Quezon City BFP na mailagay sa spine board ang dalawang kabataan na kapwa natagpuang baldado sa gitna ng sapa sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga. M…
