Back to HomeNation

Malaking bahagi ng Olongapo City lumubog sa baha, ilog umapaw

NI Edward VillosoAugust 29, 20262 min read0 views
Malaking bahagi ng Olongapo City lumubog sa baha, ilog umapaw
Share:

In photos: Agad nag kasa ng rescue operations ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) sa isang pamilya at kanilang mga alagang aso, na naipit sa biglaang pagtaas at pagragasa ng tubig baha na may kasamang putik sa Otero Avenue, Barangay Mabayuan, Olongapo City sa kasagsagan ng walang tigil na buhos ng ulan bunsod ng habagat at namumuong bagyo.

MALAWAKANG pagbabaha at pagguho ng lupa ang tumama sa ilang bahagi ng Olongapo City dahil sa ilang araw na tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dala ng Habagat, na nagdulot ng pagtaas ng tubig sa mga ilog at pagsasara ng ilang pangunahing kalsada.

Nagsimulang bumaha sa malaking bahagi ng syudad nitong Biyernes, Agosto 28. Bandang alas-1:30 ng hapon kung saan nagulantang ang mga papauwing residente na manggagawa sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

Ilang mga malalaking truck mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang idineploy sa mga lansangan upang I hatid sa mga terminal at sakayan ng lungsod ang mga na stranded na mga residente.

Ilang pagguho din sa mga barangay ang naitala gaya ng Barangay Kalaklan, kung saan kumalat ang mga bato sa pangunahing kalsada patungong Zambales.

Nagsi apawan din ang mga ilog at nag overflow sa mga tulay sa Sta. Rita at Del Rosario na nahilan upang pasukin na ang mga kabahayan na nasa mababang lugar sa ilang bahagi ng West Bajac Bajac, East Bajac Bajac, Kalaklan at Sta. Rita at Mabayuan.

Sa Barangay Mabayuan, agad na nagsagawa ng rescue operation ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) matapos maipit ang ilang pamilya sa kanilang mga tahanan dahil sa biglaang pagtaas at malakas na agos ng baha na may kasamang putik.

Kabilang sa mga sinagip ang mga residente at kanilang mga alagang aso na hindi na makalabas nang ligtas sa kanilang mga bahay. Sa gitna ng malakas na agos.

Related Articles