Back to HomeRegions

8 suspek arestado sa tangkang pagnanakas sa isang pawnshop sa Tarlac

NI Edward VillosoSeptember 6, 20261 min read0 views
8 suspek arestado sa tangkang pagnanakas sa isang pawnshop sa Tarlac
Share:

ARESTADO ang walong indibidwal na hinihinalang sangkot sa tangkang panloloob sa isang pawnshop sa Santa Ignacia, Tarlac matapos ang mabilis na responde ng pulisya sa pamamagitan ng Unified 911 noong Biyernes, Setyembre 4, 2026.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang tumunog ang alarm ng establisimyento at maiulat ang insidente sa 911.

Pagdating ng mga pulis, nakita ang mga palatandaan ng sapilitang pagpasok at natukoy na posibleng ginamit ng mga suspek ang kalapit na drainage system para makapasok.

Limang suspek ang naaresto habang tinatangkang tumakas sa naturang ruta.

Tatlo pa ang nahuli sakay ng isang Isuzu Elf truck sa kalapit na barangay.

Nakuha sa mga suspek ang isang improvised pistol, tatlong hand grenade, isang rifle grenade, walong sachet ng hinihinalang shabu, iba't ibang kagamitan, at ang sasakyang umano'y ginamit sa operasyon.

Binigyang-diin ni Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na mahalaga ang mabilis na pag-uulat at pagtugon sa mga emergency.

Hinimok ng PNP ang publiko na gamitin ang Unified 911 sa pag-uulat ng mga emergency at kahina-hinalang aktibidad upang agad na maaksyunan ng mga awtoridad.

Ang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng PNP Focused Agenda, partikular sa pagpapalakas ng police operations at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

Related Articles