Back to HomeRegions

Grade 10 student nahulihan ng baril at mga bala sa loob ng paaralan sa Catarman

NI Edward VillosoOctober 2, 20262 min read0 views
Grade 10 student nahulihan ng baril at mga bala sa loob ng paaralan sa Catarman
Share:

ISANG Grade 10 student ang nahulihan ng .45 baril at mga bala na naipasok nito sa loob ng paaralan sa Catarman, Northern Samar araw ng Biyernes, Oktubre 2, 2026.

Ayon sa pahayag ng Police Regional Office 8 (PRO 8), nabisto ang pagdadala ng studyante ng baril makaraang ipagbigay-alam ng isa pang estudyante sa kanilang guro habang sila ay nasa loob ng kanilang silid-aralan.

Kaagad namang ipinaalam ng guro sa mga awtoridad ang insidente, at itinawag sa Catarman Municipal Police Station.

"Authorities recovered from the minor one .45 caliber pistol without a serial number, four magazines, and ten rounds of ammunition,” pahayag ng PRO 8.

Sinabi umano ng menor de edad na pag-aari ng kaniyang ama ang baril.

Tinulungan ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk ang estudyante at kalaunan ay nai turn over siya sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa pagsusuri at nararapat na interbensiyon alinsunod sa mga umiiral na batas at proseso.

Kasunod ng insidente, nakipagpulong ang mga pulis sa mga opisyal ng paaralan upang talakayin at palakasin ang mga hakbang sa kaligtasan at seguridad para sa mga estudyante, guro at iba pang kawani ng paaralan.

Muli namang nagpaalala ang PRO 8 sa mga magulang at guardian na ingatan ang kanilang mga baril at tiyakin na hindi makukuha ng mga bata at mga taong hindi dapat humawak nito.

Related Articles