Back to HomeNation

Habagat season, opisyal nang nagtapos - Pagasa

NI JG TumbadoOctober 5, 20261 min read0 views
Habagat season, opisyal nang nagtapos - Pagasa
Share:

OPISYAL nang nagtapos ang panahon ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes.

Ayon sa PAGASA, napansin ang ilang pagbabago sa umiiral na weather pattern sa bansa, kabilang ang pagpapalakas ng high-pressure system sa East Asia at ang pag-usad patimog ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Napansin din ng weather bureau ang paghina ng mga hanging dulot ng Habagat at pagbaba ng dami ng pag-ulan na karaniwang iniuugnay sa monsoon.

Batay sa mga forecast, magpapatuloy ang mga pagbabagong ito sa mga susunod na araw kaya idineklara na ng PAGASA ang opisyal na pagtatapos ng Habagat season.

Kasabay nito, sinabi ng ahensya na nagtapos na rin ang rainy season sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Gayunman, patuloy na imo-monitor ng PAGASA ang lagay ng panahon at klima sa bansa.

Pinayuhan naman nito ang publiko at mga kinauukulang ahensya na patuloy na subaybayan ang mga weather update at iba pang kaugnay na impormasyon.

Related Articles