Suntukan nauwi sa pamamaril, isa patay 3 sugatan

ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang mauwi sa pamamaril ang komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan sa labas ng isang bar sa kahabaan ng bypass road sa Tarlac City.
Nabatid kay Police Lt. Col. Glen Santiago, hepe ng Tarlac City Police Office (TCPO), naganap ang insidente sa kalagitnaan ng suntukan ng dalawang grupo na kapwa umano nag-iinuman sa naturang bar nitong gabi ng Miyerkules.
Sinabi ni Santiago na nagpaputok ang 36 anyos na suspek na sinasabing isang pulis matapos umano nitong makitang kinukuyog ng kabilang grupo ang mga kasama niya.
Tatlong lalaki ang tinamaan ng bala at isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.
Gayunman, hindi na naisalba ang isa sa mga biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.
Agad namang naaresto ang suspek ng kanyang mga kabaro matapos ang insidente.
Narekober din sa kaniyang posesyon ang isang kalibre .45 na baril na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek at nahaharap sa mga kasong homicide at frustrated homicide.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang linawin ang buong pangyayari sa nangyaring krimen.
Related Articles

Lalaki na may 5 kaso ng rape timbog matapos ang 2 taong pagtatago
ARESTADO ang isang 53-anyos na lalaki na wanted sa limang bilang ng panggagahasa matapos ang dalawang taong pagtatago sa Misamis Oriental, ayon sa pulisya nitong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas …

P20.4-M halaga ng shabu nasabat; high value target arestado sa Zamboanga City
ARESTADO ang isang itinuturing na high-value drug suspect matapos masamsam ang tinatayang nasa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes, Zamboa…

3 Hotel staff nasawi matapos ma-trap sa sewage facility sa Davao City
TATLONG lalaki na bahagi ng engineering at maintenance team ng isang hotel ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng sewage treatment facility habang nagsasagawa ng maintenance work sa Davao City, madalin…
