Paggalaw sa presyo sa petrolyo posibleng magkakaiba sa susunod na linggo

POSIBLENG magkakaiba ang galaw ng presyo ng langis sa susunod na linggo, kung saan inaasahang muling tataas ang presyo ng gasolina habang posibleng bumaba naman ang presyo ng diesel.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, maaaring tumaas ng P1.50 hanggang P1.80 kada litro ang presyo ng gasolina.
Batay ang pagtataya ni Bellas sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange.
Ang MOPS ang ginagamit na batayan sa pagpepresyo ng mga refined petroleum products sa Southeast Asia.
Sinabi ni Bellas na nananatiling pabagu-bago ang presyo ng langis ngayong linggo dahil sa mga pangamba sa katatagan ng suplay.
“Lingering supply stability concerns have resulted in oil’s volatile movement this week,” aniya.
Ayon pa kay Bellas, napipigilan ang pagtaas ng presyo dahil sa pagbabalik ng suplay ng langis mula sa Middle East.
Gayunman, muling nagtutulak pataas sa presyo ang pagkabalam ng peace talks sa pagitan ng United States at Iran, gayundin ang mga panibagong pag-atake sa Strait of Hormuz, dahil sa pangambang maantala ang suplay ng langis.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
