Back to HomeNation

Oil price hike pa more!

NI Alex Galang September 13, 20261 min read0 views
Oil price hike pa more!
Share:

PANIBAGONG oil price hike na naman ang inaasahang sasalubong sa mga motorista sa darating na Martes, September 15, matapos ang malaking dagdag-presyo noong nakaraang linggo,

Ayon sa industry estimates, posibleng madagdagan ng P2 hanggang P2.50 kada litro ang presyo ng diesel, habang mas malaki naman ang maaaring itaas sa gasolina na tinatayang nasa P4.50 hanggang P5 kada litro.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na makararanas ng malaking taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Nakabase ang naturang pagtataya sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at foreign exchange rates matapos ang apat na araw na trading.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ay ang tensiyon sa Middle East na patuloy na nakaaapekto sa global oil market.

Gayunman, paalala na industry estimate pa lamang ang mga naturang halaga.

Karaniwang inaanunsyo ng mga oil companies ang aktwal na adjustment bago ipatupad ang bagong presyo.

Related Articles