Back to HomeNation

Pamilya Villar kinasuhan ng Ombudsman

BY JG TumbadoSeptember 18, 20262 min read0 views
Share:

DALAWANG kasong kriminal at administratibo ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa pamilya Villar at ilang opisyal kaugnay ng umano’y kuwestiyonableng joint venture agreements na pinasok ng Prime Water Infrastructure Corporation (PWIC).

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nakatanggap ang Office of the Ombudsman ng ulat mula sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na 75 local water districts ang pumasok sa joint venture agreements sa PWIC mula 2015 hanggang 2022.

Kabilang sa mga kinasuhan ang magkapatid na Senador na sina Mark at Camille Villar, ang negosyanteng si Paolo at ang kanilang magulang na sina dating mga Senador Manny at Cynthia Villar,

Inilarawan ni Clavano ang mga kasunduan bilang “grossly disadvantageous” o labis na nakapipinsala sa panig ng mga local water districts.

Sa naturang bilang, 19 local water districts ang naglabas ng notice of pre-termination dahil umano sa kabiguan ng PWIC na tuparin ang mga obligasyon nito.

“It has reportedly failed to supply uninterrupted water resources and has instead provided poor drinking water standards, among other complaints against it,” pahayag ni Clavano sa isang press briefing.

Samantala na flag down din ng Commission on Audit (COA) ang kabuuang P65,650,708.07 na hindi pa nababayarang obligasyon ng PWIC, kabilang ang paggamit o pagkonsumo sa mga materyales at suplay na imbentaryo ng mga local water districts.

Sinabi ni Clavano na nasa preliminary investigation na ng Ombudsman ang mga kaso.

Related Articles