Back to HomeNation

Lifestyle check sa mga taga BOC, LTO sisilipin ng Ombudsman

NI JG TumbadoAugust 25, 20262 min read0 views
Lifestyle check sa mga taga BOC, LTO sisilipin ng Ombudsman
Share:

Magsasagawa ang Office of the Ombudsman ng lifestyle check sa mahigit 100 opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na itinuturing na “income-generating,” kabilang ang Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC).

Ito ang ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Martes sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng panukalang budget na mahigit ₱7 bilyon para sa kanilang tanggapan.

Tinanong ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno si Remulla kung nagsasagawa ang Ombudsman ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Remulla, kasalukuyang isinasagawa ang 107 lifestyle checks, at nadaragdagan pa ang mga pangalan sa listahan habang patuloy silang kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga opisyal sa Customs, LTO at iba pang ahensiyang kumikita para sa pamahalaan.

Aniya, partikular na tinututukan ang mga ahensiyang ito dahil dito umano mas madalas na nangyayari ang mga tinukoy niyang “lifestyle sins.”

“Masaya akong marinig na nagsasagawa kayo ng lifestyle checks,” tugon naman ni Diokno.

Noong nakaraang taon, iniutos din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, na sinimulan sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa mga proyekto sa flood control.

Related Articles