5- Taong termino ng Barangay , SK lusot sa Kamara

APRUBADO na ng House of Representatives ang panukalang batas na magpapalawig sa termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials mula apat na taon tungo sa limang taon.
Sa botong 211 pabor, 13 tutol at isang abstention, ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre 8 ang House Bill No. 10971.
Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act No. 12232 at gawing fixed five-year term ang panunungkulan ng mga opisyal ng barangay at SK.
Dahil dito, hindi na matutuloy sa Nobyembre 2026 ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa halip, isasagawa ang halalan sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.
Pagkatapos nito, magiging regular na tuwing limang taon ang barangay at SK elections.
Nilinaw din sa panukala ang limitasyon sa termino. Ang mga barangay officials ay maaari lamang magsilbi ng dalawang magkasunod na termino, habang mananatili sa isang termino ang mga SK officials.
Hindi rin maaaring tumakbo sa parehong posisyon sa 2028 ang mga incumbent barangay officials na kasalukuyang nasa kanilang ikatlong sunod na termino.
Samantala, ang anumang pondong hindi magagamit para sa orihinal na 2026 BSKE ay mananatili sa Commission on Elections bilang continuing appropriations at gagamitin sa paghahanda para sa 2028 elections.
Dadaan pa sa kaukulang proseso ang panukala bago tuluyang maging batas.
Related Articles

House OKs P72-T 2027 national budget
THE House of Representatives on Wednesday approved House Bill No. 10858, or the proposed ₱7.2-trillion General Appropriations Bill for Fiscal Year 2027, as amended, on second reading. House Committee…

P28,000 drug test bayad ni Respicio sa hamon ni Remulla
SUMAILALIM agad sa drug test ang kontrobersiyal na si Atty. Jeryll Harold Respicio, ang Vice Mayor ng Reina Mercedes sa Isabela, matapos ihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nais niyang ipas…

Opisyal ng PNP iniimbestigahan ng Napolcom dahil sa iregularidad
KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Police Col. Froilan Uy dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pang-aapi at iba pang uri ng iregularidad. Ayon…
